Napaulat na massive data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, iniimbestigahan na ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa na ng inisyal na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng iniulat ng cybersecurity research company VPNMentor na umano’y massive data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan kabilang ang tanggapan ng NBI.

Sa naturang ulat, sinasabing nasa 1.2 milyong records ng mga kawani ng ilang government agencies ang nakompromiso kabilang ang mga birth certificate, pasaporte, ID cards, at maging fingerprint scan.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng NBI na batay sa resulta ng kanilang vulnerability assessment, ay walang anumang data breach ang nakaapekto sa kanilang sistema.

Kung pagbabatayan rin umano ang mga nakompromisong data ay wala rito ang bahagi ng hiring at selection process ng NBI.

Kasunod nito, tiniyak ng NBI sa publiko na bilang national clearing house ng criminal records ay mahigpit nitong pinoprotektahan ang data privacy.  “The Bureau will continue monitoring and investigating the alleged data breach, and shall find and adapt new ways to keep your information safe in our hands.”  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us