National Land Use Act, pasado na sa komite sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na ng House Special Committee on Land Use ang substitute bill para sa panukalang National Land Use Act.

Sa pahayag ni Committee Vice Chairperson at Nueva Ecija Representative Ria Vergara, layon nitong maglatag ng polisiya para protektahan ang mga lupang sakahan, irrigated at irrigable lands, lupa para sa high-value crops, at ibang lupang pang-agrikultura sa conversion na magreresulta sa problema sa kalikasan.

Itatatag naman ang National Land Use Commission sa ilalim ng Office of the President na siyang papalit sa National Land Use Committee.

Nakapaloob din sa panukala ang pagpapataw ng idle land tax sa may-ari ng lupang sakahan na pinapabayaang nakatiwang-wang sa loob ng mahigit isang taon maliban na lamang kung mayroong katanggap-tanggap na dahilan.

Ang idle land tax ay nagkakahalaga ng 5% ng halaga ng lupa batay sa nakasaad sa real property tax declaration.

Ang mga masasangkot sa illegal land conversion ay parurusahan ng pito hanggang 12 taong pagkakakulong at multang hindi bababa sa ₱100,000.

Kung ang lumabag ay empleyado o opisyal ng gobyerno, sila ay masisibak at kukumpiskahin ang kanilang mga benepisyo.

Nakasaad din sa panukala na maaaring parusahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga lokal na pamahalaan na mabibigong gawin at ipatupad ang kanilang Comprehensive Land Use Plans (CLUPs).

Isa ito sa LEDAC priority measure ng Marcos Jr. administration.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us