Pinakokonsidera ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa pamahalaan na ibasura na ang NBI at Police clearance bilang requirement sa pagkuha ng trabaho at iba pang transaksyon.
Kasunod ito ng nangyaring data breach sa database ng PNP, NBI, BIR at maging Special Action Force.
Ayon sa ulat ng nangungunang cybersecurity research company na VPNMentor, 1.2 million na personal records ang nakompromiso na naglalaman ng fingerprint, birth certificate, education transcript at iba pa.
Punto ni Salceda, hindi makatwiran na patunayan ng isang law abiding citizen na wala siyang kaso o criminal record.
Maliban pa aniya sa dagdag gastos lamang ito.
“You have under 100,000 crimes in the country every year. But 99.9% of the population has to get a clearance saying they do not have trouble with the law. It really makes no sense. It’s expensive for jobseekers, it’s distracting for law enforcement, and it’s a waste of time for employers… If you are involved in some crime, we can probably get your data easily anyway” paliwanag ng House tax chief.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi dapat nagtatago ng personal data ang PNP at iba pang law enforcement agencies, bukod pa sa wala naman silang kapasidad na pangalagaaan ang naturang datos.
Kasabay nito ay pinasisiguro ni Salceda sa National Telecommunications Commission at National Privacy Commission maging sa mga lokal na pamahalaan, na i-secure ang lahat ng datos na makokolekta sa SIM Registration law.
Marapat din aniya na magkaroon ng periodic review sa privacy protocols ng telecommunication companies.
“SIM Card registries will be the largest source of personal data in the country. So, they will be targets. I call on the NTC and the NPC to make the necessary reviews and proactive measures to ensure that a similar data breach will not take place in SIM registries. That probably means a periodic audit of privacy protocols of telecommunications companies by the NPC. And that has to be sooner rather than later.” ani Salceda | ulat ni Kathleen Forbes