Tuloy-tuloy ang gagawing pagbabantay at paghihigpit sa seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahit tapos na ang Semana Santa.
Kabilang sa babantayan ang matataong lugar, tulad ng terminal ng bus, tren, paliparan, pantalan, at mga pagtitipon.
Ayon kay Police Lt. Col. Luisito Andaya, tagapagsalita ng NCRPO, mananatiling naka-heightened alert ang NCRPO hanggang May 31.
Aniya, mananatili pa rin ang deploy bilang pagpapaigting ng seguridad sa Araw ng Paggawa at hanggamg sa matapos ang summer vacation.
Samantala, naging generally peaceful ang assessment ng NCPRO matapos ang paggunita sa Semana Santa.
Bagaman may naitalang nakawan, agad naman aniyang nahuhuli ang mga suspek. | ulat ni Don King Zarate