NEA Administrator Almeda, nagsagawa na ng inspection sa power plants sa Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ininspeksyon na ni National Electrification Administration Administrator Antonio Mariano Almeda ang mga planta ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation at Power Systems, Inc. o PSI.

Ang planta ng PSI na may dependable capacity na 5-6 megawatts ang isa sa mga tinitingnang solusyon sa nararanasang rotational brownout sa probinsya.

Tiniyak ni Almeda na nakahanda silang paandarin ang planta ng PSI kapag maayos na ang kontrata sa mga may-ari nito.

Sinabi pa ng NEA Chief na hindi ipapasa sa mga konsyumer ang gagastusin sa pagpapatakbo ng PSI power plant alinsunod na rin sa direktiba ng Administrasyong Marcos.

Bukod sa PSI power plant, ikinokonsidera ring solusyon ng NEA sa kakulangan ng supply ng kuryente ang apat na modular gensets na ginamit noong 2013 sa Mindanao power crisis.

Nakipag-ugnayan na rin ang NEA sa DMCI Power Corporation para makapagbigay rin ng dagdag na supply ng kuryente sa Occidental Mindoro.

Si Almeda ay personal na nagtungo sa lalawigan para personal na kumustahin ang supply ng kuryente sa probinsya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us