Puspusan na ang paghahanda ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa magiging epekto ng bagyong Amang sa bansa partikular na sa mga transmission operations at facilities sa bansa.
Ayon sa NGCP, kabilang sa inilatag nitong precautionary measures ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagtitiyak sa mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng mga masisirang pasilidad, at gayundin ang pagdedeploy ng line crews sa mga lugar na maaring daanan ng bagyo.
Bahagi ito ng Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng ahensya para masiguro ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities na maaaring tamaan ng bagyo.
Nauna na ring tiniyak ng National Electrification Administration (NEA) ang paghahanda ng mga electric coop sa Catanduanes para mabawasan ang posibleng pinsala ni bagyong Amang sa kanilang transmission facilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa
: NGCP