NPA lider at siyam na miyembro sumuko sa Butuan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumuko ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at siyam na miyembro ng terorisatang grupo sa Barangay Bancasi, Butuan City.

Ang pagsuko kahapon ng mga dating rebelde ay resulta ng joint intelligence operation ng 23rd Infantry Battalion sa ilalim ng 402nd Brigade, 4th Infantry Division, at iba pang intelligence units ng Joint Task Force Diamond.

Ayon kay Eastern Mindanao Command (EastMinCom) Commander Lieutenant General Greg Almerol, pinangunahan ang pagsuko ng mga rebelde ni Lino Namatidong, alyas Dahon, Commanding Officer ng Headquarters Force Neo.

Kasamang sumuko ni Namatidong ang kanyang asawa na si Reyna Namatidong, alyas Miray, Regional Staff, Education and Propaganda officer, at iba pang miyembro ng NPA.

Kasabay nilang isinuko ang 10 high-powered at low-powered firearms na binubuo ng tatlong shotgun, dalawang M16 rifles, dalawang M203 grenade launcher, isang AK47 rifle, isang Carbine rifle, at isang Garrand rifle.

Muling hinimok ng EastMinCom ang nalalabing miyembro ng NPA na mapayapang sumuko upang hindi nila sapitin ang nangyari sa iba pa nilang mga kasamahan. | ulat ni Leo Sarne

?: EASTMINCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us