Wala nang lider sa Western at Central Visayas ang New People’s Army (NPA) matapos masawi sa enkwentro ang secretary ng CPP-NPA Regional Committee ng Central Visayas na si Rogelio Posadas.
Sa isang statement, positibong tinanggap ng Visayas Command (VISCOM) ang nutralisasayon ng notoryus na lider-komunista na responsable sa maraming terrorist activities sa Western at Central Visayas.
Sinabi ng VISCOM na ang pagkamatay ni Posadas ay patunay lang na hindi matatakasan ang hustisya.
Si Posadas, alyas “Putin” ay nasawi matapos ang serye ng enkwentro ng NPA sa mga tropa ng Philippine Army sa Sitio Cabite, Barangay Santol sa Binalbagan, Negros Occidental noong nakaraang Huwebes.
Ayon sa VISCOM, ang pagkamatay ng isa pa sa mga matataas na pinuno ng CPP-NPA ay magpapadala ng malakas na mensahe sa mga demoralisadong kasapi ng kilusang komunista a Visayas na wala nang saysay ang kanilang pakikipaglaban at panahon na para magbaba ng armas. | ulat ni Leo Sarne
?: 3ID