Naghatid ng tulong ang Office of the Vice President sa apat na bayan sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng malawakang oil spill.
Naipaabot ng OVP-Disaster Operations Center ang 1,616 sacks ng bigas na katumbas ng 80,000 kilo sa mahigit 8,000 mangingisda.
Sa loob ng limang araw ay ikinasa ang relief operations sa 22 barangay sa Calapan City, bayan ng Naujan, Pola at Pinamalayan.
Ito na ang ikatlong relief mission ng OVP-DOC matapos lumubog ang M/T Princess Empress noong Pebrero.
Una rito, binisita ni Vice President Sara Duterte ang Antique na kasama rin sa naapektuhan ng oil spill.
Nakapamahagi na rin ang OVP ng food boxes sa mga residente ng Batangas. | ulat ni Hajji Kaamiño