Tuloy-tuloy na ang isasagawang on-site SIM Card Registration Assistance sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ng Navotas.
Nagpaalala ang Navotas City government sa mga hindi pa nakapag-rehistro ng SIM card, na pumunta lamang sa mga itinalagang venue.
May mga kawani umano mula sa Smart Communications, Inc., Globe Telecom, at DITO Telecommunity ang aasiste para mai-rehistro ang SIM Card.
Mula nang pasimulan sa lungsod ang On-site Sim Card Registration Assistance noong Marso 30 at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa araw ng deadline, Abril 26 ,2023.
Simula bukas, Abril 13, isasagawa ang On-site SIM Card registration sa Navotas Citywalk and Amphitheater sa C-4 Road Barangay Bagumbayan North.
Batay sa huling ulat ng Department of Information and Communication Technology, nasa 36.79 percent pa lang ang nagparehistro ng SIM Card, ilang linggo bago ang itinakdang deadline. | ulat ni Rey Ferrer