OPAPRU, humingi ng tulong sa PNP at AFP para mapigilan ang pag-escalate ng tensyon sa Kalinga at Mt. Province

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi na ng tulong sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Office of The Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) para mapigilan ang escalation ng tensyon sa pagitan ng mga tribo sa Sadanga, Mountain Province at Tinglayan, Kalinga.

Ito’y sa gitna ng pag-aaway ng mga tribo dahil sa pagpatay sa isang mangangaso mula sa Brgy. Bekigan, Sadanga, Mountain Province mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

Nakiisa naman ng OPAPRU sa local government units sa nasabing mga lugar sa kanilang panawagan sa mga tribo na huminahon, sa gitna ng pag-aaway na nagresulta sa pagkasawi ng maraming tao sa magkakatunggaling panig.

Inihayag ni Acting OPAPRU Secretary Isidro L. Purisima na labis niyang ikinalulungkot ang karahasan na nagaganap sa lugar, na wala aniyang lugar sa isang makatao, demokratiko at mapayapang lipunan.

Hinimok ni Purisima ang mga “elders” ng magkakatunggaling tribo at mga gobernador ng Kalinga at Mt. Province na muling magkaisa para maresolba ang sitwasyon, sa ngalan ng kapayapaan at kinabukasan ng kanilang mga lalawigan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us