Nagpapatuloy na ang normal na operasyon ng Overall Command Center ng National Grid Corporation of the Philippines ngayong wala nang banta si Tropical Depression Amang sa anumang pasilidad nito.
Iniulat din ng NGCP na walang transmission lines at pasilidad ang naapektuhan ng pagdaan ng bagyo.
Pagtiyak pa ng NGCP sa publiko na patuloy nitong binabantayan ang mga weather disturbances at handang isaaktibo ang Overall Command Center nito sakaling magkaroon ng anumang banta sa kanilang transmission facilities.
Batay sa huling ulat ng PAGASA, naging ganap nang low pressure area kaninang umaga si Tropical Depression AMANG at maaaring malusaw sa loob ng 24 oras.
Ang bagyo ay kasalukuyang kumikilos ng 10 kilometro bawat oras sa katubigan ng Polillo, Quezon. | ulat ni Rey Ferrer