Sinuportahan ni Davao Oriental Second District Rep. Cheeno Almario, ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa na panahon nang alisin ang kapangyarihan ng mga local chief executive na mag-appoint ng chief of police sa kanilang lokalidad.
Ayon sa neophyte solon, mas maigi na italaga ng PNP ang kanilang provincial directors at chief of police batay sa kwalipikasyon upang mapanatili ang professionalism sa trabaho.
Maaalis na rin aniya nito ang posibleng pamomolitika sa appointment sa PNP.
“It is best for the PNP to install their choices for provincial directors and chiefs of police based on qualifications and merits to ensure utmost professionalism in their respective performance.” saad ni Almario.
Batay sa Section 51 ng RA 6975, pinahihintulutan ang mga gobernador at alkalde na pumili ng itatalagang police chief ng probinsya o lungsod batay sa listahan ng nominees na isusumite ng PNP. | ulat ni Kathleen Jean Forbes