Pagbabayad ng multa sa clamped vehicles, maaari nang gawin online sa San Juan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinadali ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang pagbabayad ng multa para sa mga nahuhuling ilegal na pumaparada sa lungsod.

Sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code ay maaari nang bayaran sa City Treasury online ang multa, nang hindi na dumadaan sa San Juan City Hall.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ipapakita lamang sa traffic enforcers ang proof of payment upang maialis ang clamp sa sasakyan.

Lahat ng major banks at e-wallet platforms ay magagamit sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng Starpay at QRPH Standard.

Ipinaliwanag ni Zamora, na magiging maginhawa ito para sa mga motorista dahil kahit on the spot ay mababayaran na ang parusa sa paglabag sa ordinansa.

Gayunman, ang mga multang hindi mababayaran sa loob ng limang oras ay magreresulta sa tuluyang pag-tow ng sasakyan sa impounding station.

Mababatid na mahigpit nang ipinatutupad ng city government ang “Wheel Clamping Ordinance” upang maparusahan ang mga ilegal na pumaparada sa kalsada at upang maibsan ang mabigat na trapiko sa San Juan. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us