Pagka-aresto sa Malaysia ng top-most wanted NPA leader ng Southern Mindanao, pinuri ng EASTMINCOM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Eastern Mindanao Command (Eastmincom) Commander Lt. Gen. Greg T. Almerol ang 10th Infantry Division (10ID), PNP, intelligence units, at iba pang law enforcement agencies na tumulong sa pag-aresto ng Royal Malaysian Police sa top most wanted NPA leader ng Southern Mindanao.

Si Eric Jun B. Casilao alias Elian/Wally, Secretary ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee member ay ibinalik sa Pilipinas kahapon matapos maaresto sa Jeti Point International Clearance Gate, Langkawi, Malaysia noong April 1.

Pasakay si Casilao ng Ferry patungong Koh Lipe, Thailand, nang arestuhin sa pinagsanib na operasyon ng AFP, PNP, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, Royal Malaysian Police, at Malaysian Immigration.

Ayon kay Lt. Gen. Almerol, inabandona ni Casilao ang kanyang mga kasamahan sa NPA at nagtago sa Malaysia dahil sa walang-tigil na pagtugis sa kanya ng mga tropa ng 10ID, na nagpalabas pa ng mga wanted poster para sa kanyang ikadarakip noong nakaraang taon.

Si Casilao ay may mga warrant of arrest para sa kasong murder, kidnapping and serious illegal detention, at attempted murder. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us