Pagpapabuti sa tertiary education sa Pilipinas, pinagpulungan ng EDCOM 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpulong ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) kasama ang Commission on Higher Education (CHED).

Bahagi ng napag-usapan ay kung paano mapagbubuti ang tertiary education sa bansa, at kung paano magiging mas competitive ang ating graduates.

Isa sa mungkahi ni House Committee on Basic Education at EDCOM 2 Co-Chairperson Representative Roman Romulo ay bawasan ang required general education (GE) units sa higher education o kolehiyo sa pamamagitan ng Philippine Credit Transfer System (PCTS).

Sa paraang ito ay mababawasan ang bilang ng taon ng pag-aaral lalo na para sa mga estudyante na sumailalim na sa K-12 program.

Ayon naman kay CHED Chair Prospero de Vera, may ilang higher educational institution na ang nagpapatupad ng credit transfer ngunit kanilang ikinokonsidera na ipatupad ito sa engineering at health courses.

Positibo naman si House Committee on Higher and Technical Education Chairperson and EDCOM 2 Co-Chairperson Rep. Mark Go, sa pamamagitan ng mga pulong na ito ay makabuo sila ng lehislasyon na makatutulong sa edukasyon ng bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us