Pagpapatupad ng Single Ticketing System sa Metro Manila, pinagtibay na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang pinagtibay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila Council (MMC) at ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng Single Ticketing System.

Ito’y sa paamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong nabanggit sa punong tanggapan ng MMDA sa Pasig City ngayong araw.

Bago ito, pinangunahan ni MMDA Acting Chairman, Atty. Romando Artes ang isang pagpupulong kasama si MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, LTO Chief Jayart Tugade, Sen. Francis Tolentino at Metro Manila Mayors.

Magugunitang, napagkasunduan ng 17 Alkalde sa Kalakhang Maynila ang uniform na pagpapatupad ng Metro Manila Traffic Code of 2023.

Kabilang na rito ang 20 traffic violations na tinukoy sa mga naunang pagpupulong gayundin naman ang mga kaukulang multa at parusa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us