Pamahalaan sa commuters: Huwag gumawa ng mga aktibidad na makakaapekto sa riding public

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela ang Department of Transportation (DOTr) sa commuters na huwag gumawa ng mga delikadong kilos na maglalagay ng kanilang buhay sa alanganin.

Pahayag ito ni DOTr Assistant Secretary Jorjette Aquino, kasunod ng insidente noong Miyerkules kung saan tumalon sa riles ng MRT 3 ang isang babaeng pasahero, dahilan ng pagkamay nito.

“Pinapaalalahanan lang po namin ang publiko na huwag po sanang gumawa ng medyo mga delikadong kilos tulad noong nangyaring insidente kasi ito po ay maaaring magdulot ng pinsala hindi lang sa inyong buhay kung hindi pati na rin sa ating mga kapwa mananakay.”

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na sa mga kaparehong insidente, tutukuyin ng pamahalaan kung kailangang magpataw ng parusa sa mga indibidwal na magdudulot ng pagkaantala sa riding public.

Sakali aniyang makita ang pangangailangan ng pagpapapataw ng sanction sa mga indibidwal na ito, ang gobyerno ay hindi magdalawang isip na ipatupad ito.

Ayon sa opisyal, ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ay gumagawa na ng mga aksyon upang matiyak na hindi na mauulit ang mga ganitong insidente.

Kabilang na ang paglalgay mg door screens sa platforms ng mga istasyon. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us