Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa natanggap na mataas na performance at trust rating sa survey ng OCTA Research

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tiwalang ipinagkakaloob ng mga Pilipino sa Marcos-Duterte Administration.

Pahayag ito ng pangulo, makaraang makakuha ng 80 percent performance rating at 83 percent trust rating mula sa mga Pilipino sa pinakahuling survey ng OCTA research.

Sa kaparehong survey, si Vice President Sara Duterte ay nakakuha ng 84% performance rating at 87% trust rating.

Ginawa ang survey ika-24 hanggang 28 ng Marso.

Ayon kay Pangulong Marcos, isang karangalan na maglingkod sa mga Pulipino sa abot ng kanilang makakaya.

“Karangalan ng administrasyong Marcos-Duterte na kayo’y paglingkuran sa abot ng aming makakaya kaya naman labis ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na suporta.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us