Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtalaga ng mga bagong opisyal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kabilang sa mga itinalaga sina:

Executive Director Victorino Manalo sa ilalim ng National Archives of the Philippines.

Itinalaga rin si Provincial Trade and Industry Officer Wena Buston, sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang appointment paper ng mga ito ay mayroong petsang ika-18 ng Abril, 2023.

Samantala, kabilang rin sa mga itinalaga sa mas mataas na ranggo ay sina Brigadier General Erwin Alea at Brig. General Eugen Mata ng Philippine Army.

Habang sa Philippine Navy naman, si Lieutenant Commander April Bayabao. Ang appointment papers ng mga ito ay mayroong petsang ika- 13 ng Abril, 2023. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us