Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa ilalim ng kanyang pamamahala sa bansa ay tatapusin ang lahat ng proyekto ng pamahalaan nang may buong kahusayan, katapatan, buong ingat at mabilis para sa mamamayan.
Ang katiyakan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang naging mensahe sa isinagawang ceremonial contract signing ng North- South Commuter Railway Project – South Commuter Contract packages 2 and 3.
Kasabay nito’y siniguro din ng Punong Ehekutibo na sa government projects ay maipatutupad ang streamlining partikular sa mga government-to-government deals at pakikipag-partner sa financial institutions gayundin naman sa mga pribadong sektor na kung saan ay tiniyak din ng presidente ang ease of doing business.
At kaugnay ng gagawing North- South Commuter Railway Project ay muling humingi ng pang-unawa at pasensya ang Chief Executive dahil sa abalang idudulot ng konstruksiyon nito gayung sa sandali naman aniyang matapos ang 147.2 km railway project ay magdudulot ito ng ginhawa sa mamamayan.
Ang proyekto ay magdudugtong sa lalawigan ng Pampanga, Metro Manila at Laguna. | ulat ni Alvin Baltazar