Panukalang regulasyon sa paggawa, paggamit ng single-use plastic, pinamamadali ng Davao solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng selebrasyon ng Earth Day sa April 22 ay kinalampag ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang Kongreso na agad pagtibayin ang panukala para i-regulate ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng single-use plastic sa bansa.

Salig sa inihain nitong Single-Use Plastic Products Regulation Act, unti-unting babawasan ang paggamit ng single-use plastic gaya ng utensils, tableware, straw, stirrer, sachet at pouch sa loob ng apat na taon hanggang sa tuluyan na itong ipagbawal.

Naniniwala ang mambabatas na hindi ito mahirap maipatupad dahil sa Davao City mismo ay mayroon nang ganitong ordinansa noon pang 2021.

“As we mark Earth Day on April 22, I urge my colleagues in Congress to act on this bill and similar other pending measures so that we can finally phase out single-use plastic products, which remain among the most pervasive kind of waste that pollute our land, choke our oceans and bring harm to our precious marine resources,” saad ng mambabatas.

Ani Duterte, sa kabila ng pinagtibay na panukala kung saan papatawan ng ₱100 excise tax ang kada kilo ng single use plastic ay wala pa ring batas na nakatuon sa tuluyang pagbabawal sa paggamit nito

Ang Pilipinas din aniya ang isa sa may pinakamaraming marine plastic pollution na may 280,000 to 750,000 tons kada taon ng plastic na napupunta sa karagatan.

“This is equivalent to 60 billion plastic sachets per year, majority of which are single-use plastics such as plastic drinking bottles, bottle caps, food wrappers, plastic grocery bags, plastic lids, straws and stirrers, other types of plastic bags, and foam take-away containers,” dagdag ni Duterte.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin sa House Committee on Ecology ang naturang panukala ng Davao solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us