Makakaasa ang mga Pilipino na ang Marcos Administration, patuloy na isusulong ang press freedom sa Pilipinas.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-50 anibersaryo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa Makati City.
“Government will remain committed
to ensuring transparency and good governance, freedom of expression and of the press, and the protection of media practitioners and their rights in the practice of their profession.” —Pangulong Marcos.
Sa naturang kaganapan, kinilala ng pangulo ang papel na ginagampanan ng media, sa paghuhubog sa lipunan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko.
Mahalaga aniya ang papel na ginagampanan ng KBP sa pagpapabatid ng totoong impormasyon sa mga Pilipino, lalo na ngayong laganap ang fake news, misinformation, at ang advancement ng teknolohiya.
“KBP’s role remains crucial now as it has ever been, as we continue to confront newer and pressing challenges to our society, amid all the changes and advancements, and the passage of fifty years since the establishment of the KBP. One is the challenge of ensuring the integrity and credibility of information. Well, we started with mistaken information, then it became more active, disinformation, and misinformation and now, out-and-out, fake news.” —Pangulong Marcos.
Mahalaga, ayon kay Pangulong Marcos, na ipagpatuloy ng media ang mandato nito na ipabatid sa publiko ang katotohanan, lalo’t lumalawak ang saklaw ng social media, kung saan nagiging madali ang pagpapakalat ng mga mali at hindi tunay na impormasyon.
“I exhort the KBP to continue your very important work with our people and with the government, addressing and remedying the issues and challenges that we face. Take the lead and foster public discussion, truth and credibility, the rule of law, especially in the practice of broadcasting, news reporting and information-dissemination.” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una na ring sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria – Garafil na maglulungsad ng digital media literacy campaign ngayong taon upang palakasin ang kakayahan ng publiko, lalo na iyong vulnerable communities sa pagtukoy kung ano ang totoong impormasyon sa hindi. | ulat ni Racquel Bayan