“Parasitic gov’t entities”, pinabubuwag ng Davao solon upang pandagdag pondo sa pensyon ng MUP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabubuwag ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang aniya’y ‘parasitic government entities’ upang magkaroon ng dagdag na pampondo sa lumalaking pensyon ng mga military at uniformed personnel.

Ani Alvarez, kung aalisin ang mga opisina sa gobyerno na wala naman aniyang nai-aambag sa pag-unlad ng bansa ay maaaring kunin na lamang ang kanilang budget para sa mga MUP.

“Alam mo na, yung mga sobrang laki ng suweldo pero walang ambag na malinaw sa bayan. Rumaraket lang. Maraming ganyan. Malaki matitipid kung tanggalin natin sila.” saad ni Alvarez.

Hinirit din ni Alvarez ang kaniyang panukala na i-decriminalize ang marijuana at maglatag ng safeguards para sa dagdag na revenue o kita.

Magagamit din aniya ito pandagdag sa MUP pension fund.

Una nang sinabi ng dating House Speaker na hindi dapat talikuran ng pamahalaan ang pangako nito sa unipormadong hanay na pangalagaan ang kanilang kapakanan.

Tiyak naman aniya na makakahanap ng solusyon ang pamahalaan para magkaroon ng balanse ang pagpapatuloy ng pension system ng MUP at maiwasan ang fiscal crisis.

“The government should not turn its back on our soldiers who committed the best of their years providing the freedom we breathe and protecting the institutions without which government cannot exist. We owe this to them as our debt of gratitude.” diin ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us