Matagumpay na nakilahok ang Philippine Air Force sa Combined Joint Littoral Live Fire exercise kahapon sa Navy Education, Training, Doctrine Command, sa Zambales.
Dalawang FA-50PH (Bulldog) Fighters ng 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force ang lumahok sa pagsasanay na tampok na aktibidad sa Balikatan 38-23 Joint RP-US military exercise.
Ang mga ito ay nagpakawala ng isang AGM-65 G2 Maverick missile na tumama sa PS-31 warship sa Sinking Exercise (SINKEX).
Nakilahok din ang T-129 ATAK Helicopter at A-29B Super Tucano ng 15th Strike Wing, na inasinta ang target gamit ang baril at bomba.
Habang ang PAF Hermes 900 UAV aircraft ang nag-monitor sa buong ehersisyo sa pamamagitan ng live-feed.
Ang live fire activity ang nagtanghal ng interoperability at combined strike capabilities ng iba’t ibang unit ng AFP at kanilang US counterparts. | ulat ni Leo Sarne
?: PAF