Party-list solon, hindi pabor na ibalik sa Abril-Mayo ang bakasyon ng mga estudyante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kung si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang tatanungin ay hindi siya pabor na ibalik sa buwan ng Abril at Mayo ang summer vacation ng mga estudyante.

Aniya, kung ipatutupad ito, ibig sabihin ay ibabalik rin sa Hunyo ang pasukan na simula ng panahon ng tag-ulan.

Para sa mambabatas, mas malaking panganib at banta ang dulot ng pag-ulan at pagbaha kaysa sa nararanasang init.

“I am not in favor of going back to having summer vacation in the months of April and May and starting the school year in June. The rainy season causes more disruptions to learning, as well as widespread death and destruction than the summer heat.” saad ni Co.

Ang panawagan para ibalik sa Abril o Mayo ang summer vacation ay dahil sa nararanasang matinding init ngayon.

Payo naman ni Co, palakasin ang feeding program sa mga paaralan.

Mas nagiging vulnerable o lantad kasi aniya sa heatstroke at pagkahimatay ang mga bata kung hindi sila nakakakain ng tama at kulang sa tubig. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us