Party-list solon, pinapurihan ang atas ng pangulo na huwag muna ituloy ang LRT fare hike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ipagpaliban ang taas pasahe sa LRT.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ito sa mga mananakay ng tren lalo na sa mga mag-aaral at karaniwang manggagawa.

Pinasalamatan din nito si Transportation Sec. Jaime Bautista sa pakikinig sa apela ng ordinaryong mamamayan.

“Nagpapasalamat po tayo kay President Marcos for his wisdom in deferring the implementation of fare increases sa LRT-1 at LRT-2 hanggang wala pang masusing pag-aaral sa magiging epekto nito. Malaking ginhawa po ito para sa ating mga estudyante at manggagawa na bumubuo sa karamihan ng mga sumasakay sa LRT at MRT. Sila ang magiging pinaka-apektado kapag nagtaas ng pamasahe, lalo at nakabalik na tayo sa face-to-face na klase at trabaho,” saad ni Lee.

Paalala ng mambabatas na ang pagpapatupad ng fare hike ay dagdag pasanin sa publiko lalo at umiiral pa rin ang inflation.

Batay sa naunang petisyon ng LRTA, dagdag na P2.50 ang hiling nitong pasahe sa LRT lines 1 at 2 habang P3-P4 na dagdag pasahe ang apela ng MRT.

“Malupit na dagok ang fare hike sa harap ng nagmamahal na bilihin. Ang dapat nating ginagawa ay naghahanap ng paraan upang maibsan ang mabigat nang pasan ng ating mga kababayan…In this regard, we also thank Sec. Bautista for his sensitivity and for ensuring that due diligence is practiced,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us