Pasig City LGU, maglulunsad ng post Labor Day Job Fair sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakasa ng post Labor Day Job Fair ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa darating na Martes ng susunod na linggo, Mayo 2.

Dahil dito, ilalalagay ng Pasig Local Government ang isang One-Stop-Shop para sa mga first time job seekers sa Tanghalang Pasigueño mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Para sa first-time jobseekers na nais makapag-avail ng libreng serbisyo tulad ng Police at NBI clearance at makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHealth, at SSS dalhin lamang ang mga sumusunod:

Barangay Certification na nagsasaad na ang aplikante ay first-time job seeker at dapat residente ng nakasasakop na barangay ng hindi bababa ng anim na buwan, valid ID at sariling ballpen.

Samantala, aabot na sa 30 kumpanya ang lalahok sa Jobs Fair kaya’t hinihimok ang mga mag-aapply ng trabaho na maghanda na ng maraming kopya ng updated na resume/curriculum vitae.

Dahil sa init ng panahon, hinihikayat ang lalahok sa activity na ito na magdala rin ng payong, pamaypay, at sariling tubig. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us