Tatanggap na ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng mga residente mula sa adult population na nais magpabakuna ng second booster dose laban sa COVID-19 simula bukas, araw ng Martes.
Ayon sa Pasig Public Information Office, 100 slots ang ilalaan para sa 18-years old pataas sa Santolan Super Health Center na magpapaturok ng second booster.
Magbibigay din ng second booster sa Manggahan Super Health Center sa Biyernes, April 28 para sa 100 indibidwal.
Tuloy-tuloy naman ang pagbabakuna ng primary series o first at second dose sa adults at pediatric population gayundin ang first booster kontra COVID-19.
Sa datos ng city government, tumaas sa 81 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig.
Pinakamarami ang binabantayang kaso sa Barangay Manggahan at Pinagbuhatan na may tig-10 pasyente, samantalang nananatiling COVID-19-free ang 11 barangay. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño