Patuloy na training, reporma sa maritime industry ng bansa, ipinanawagan ng mga senador matapos ang desisyon ng EU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng mga senador na dapat lang na magpatuloy ang training sa mga Pinoy seafarer at ang reporma sa industriya kasunod na rin ng desisyon ng Europen Union (EU) na patuloy na kilalanin ang mga certificate na ibinibigay dito sa Pilipinas.

Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe, dapat na seryosong tugunan ng pamahalaan at ng pribadong sektor ang mag isyu na una nang ipinunto ng European Maritime Safety Agency.

Binigyang-diin ni Poe na ang ating maritime education ang siyang magtitiyak ng kaligtasan ng mga byahero at magsisiguro sa kinabukasan ng mga pamilya ng mga Pinoy seafarer.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang patuloy na pagkilalang ito ng EU sa certificate ng mga Pinoy seafarer ay magandang balita at ginhawa para sa higit 50,000 na manggagawa sa naturang industriya.

umaasa rin si Villanueva na patuloy na pagbubutihin ng mga maritime authorities ng Pilipinas ang mga hakbang para mapahusay ang pagsunod natin sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers o STCW Convention. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us