PDEA, patuloy ang pag-monitor sa mga vape shop para sa posibleng pagbenta ng liquid marijuana sa merkado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na minomonitor ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga vape shop na nagbebenta ng e-cigarettes dahil sa posibleng pagbebenta ng liquid marijuana sa merkado.

Ayon kay PDEA Director General Virgillio Lazo, isa na sa kanilang minomonitor sa ngayon ang mga vape shop sa bansa dahil maaaring gamitin ito sa pagbebenta ng liquid marijuana na ginagamit na rin na flavor sa mga vape na ngayon ay in-demand sa mga kabataan.

Muli namang siniguro ni Lazo na patuloy nilang babantayan ang mga ito upang hindi magamit bilang tindahan ang mga naturang vape shop ng sindikato. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us