PDEA, sinunog ang nasa mahigit ₱4-B iba’t ibang ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite kaninang umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit 700 kilos ng iba’t ibang ipinagbabawal na gamot sa isang waste facility kaninang umaga.

Batay sa tala ng PDEA ito’y nagkakahalaga ng nasa apat na bilyong piso mula sa iba’t ibang anti drug operations ng PDEA at ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PDEA Director General Virgillio Lazo, ang pagsusunog ng ganitong kalaking halaga ng ipinagbabawal na gamot ay dahil sa mabilis at sa maayos na proseso ng korte.

Kaugnay nito, kabilang din sa sinunog na mga droga ang nasabat sa isang Chinese national sa lungsod ng Baguio.

Samantala, personal na isinilid ni PDEA DG Lazo at ilang kawani ng DOJ PNP sa chamber na magsusunog sa mga naturang droga.

Muli namang siniguro ni DG Lazo sa publiko na magpapatuloy ang kanilang kampanya na supilin na ipinagbababawal na gamot sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us