PDEA, tinututulan ang paggamit ng Marijuana bilang gamot

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinontra ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang isinusulong ng ilang eksperto na gamiting gamot ang cannabis o marijuana laban sa sakit.

Sinabi nina PDEA Director General Amoro Virgilio Lazo, maituturing pa ring dangerous drug ang marijuana sa bansa.

Sinang-ayunan naman ito ni Dangerous Drugs Board Catalino Cuy.

Ayon sa dalawang opisyal bagamat sa kalapit bansa tulad ng Thailand ay pinapayagan na ang magtanim ng marijuana bilang gamot sa mga may sakit, sa Pilipinas ay pinagbabawal pa rin ito.

Una nang sinabi ni Doctor Richard Nixon Gomez, sa kanyang health forum na sinusuporatahan ng ilang doktor ang paggamit ng marijuana .

Tinukoy ni Dr. Gomez na nakakatanggal ng kirot ang marijuana lalo na sa mga cancer patients.

Paalala ni Dr. Gomez, sa pamahalaan na kailangan lamang na magpatupad ng regulasyon upang hindi maabuso ang paggamit nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us