Pilipinas, malaki ang magiging pakinabang sa nakatakdang pulong sa pagitan ni PBBM at US Pres. Biden

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang magiging balik sa Pilipinas ng nakatakdang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Amerika.

Ayon sa mambabatas, pinakamakikinabang ang Pilipinas sa inaasahang paghaharap ni PBBM at US President Joe Biden lalo na pagdating sa seguridad, ekonomiya, at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Para kay Romualdez ang magiging pulong ng dalawang heads of state ay lalo lamang magpapalakas sa matagal nang ugnayan ng dalawang bansa.

“The meeting between President Marcos and US President Biden will further reinforce the robust long-term bilateral relations between the Philippines and the United States and I am confident it would redound to huge dividends for our country in terms of security and increased economic cooperation, among others,” ayon kay Speaker Romualdez.

Nauna nang lumipad ang House leader sa US upang simulang ilatag ang posisyon ng Pilipinas sa ilang US officials bilang paghahanda sa pagdating ni Pangulong Marcos Jr.

Inaasahan rin ani Romualdez ang pulong kaugnay ng ‘green bonds’ o mga financial instrument na nakatuon sa mga programa at proyektong may kinalaman sa climate change solutions.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us