Naglabas ng Network Advisory ang Telco Company na Philippine Long Distance Telephone Company o PLDT hinggil sa nangyaring Network Service Interruption sa kanilang subcribers ngayong araw.
Ayon sa naturang Telco ito’y dahil sa nangyaring connection outage sa isa sa kanilang submarine cables na nagbibigay ng internet connection sa kanilang mga costumers.
Kaugnay nito, humihingi ng paumanhin ang PLDT sa mga naapektuhan ng naturang connection outage at nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga maintenance partners upang makumpuni ang nasabing submarine cable.
Samantala, bukas ang kanilang hotline upang tanggapin ang mga report at complaint ng kanilang subscribers. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio