PNP Anti-Cybercrime Group, suportado ang 90 araw na ekstensyon ng SIM card registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang pagpapalawig ng pagpaparehistro ng SIM card ng 90 araw.

Sinabi ni Police Lt. Michelle Sabino, tagapagsalita ng ACG, suportado nila ang desisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang deadline.

Paliwanag si Sabino, dahil extended ang deadline mabibigyan ng mas mahabang panahon ang mga hindi pa rehistrado ang SIM card.

Naniniwala ang ACG na sa pamamagitan ng SIM Registration Act ay madali na nilang matutukoy ang mga nasasangkot sa krimen at madali na para sa kanila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga criminal.

Gayunman, dahil extended ang deadline ay extended ang panloloko ng mga scammer kaya nananatiling nakaalerto ang ACG at handang tumugon sa mga biktima ng scam.

Nabatid na ngayong araw sana April 26 ang deadline ng SIM card registration pero pinaliwag ito para tumaas pa ang bilang ng mga magpaparehistro. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us