PNP Chief, handang magpaliwanag sa umanoy cover up sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapaliwanag sa Lunes si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. tungkol sa alegasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na may tangkang pag-cover up sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu ng PNP noong Oktubre.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Red Maranan, may mga mahahalagang inaasikaso lang si General Azurin kaya hindi matutuloy ang kanyang unang naka-schedule na pagharap sa media ngayong araw.

Una nang sinabi ni Maranan na pinag-aaralan munang mabuti ni General Azurin ang lahat ng report tungkol sa pagkakarekober ng naturang droga mula kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo bago magbigay ng pahayag.

Matatandaang ibinulgar nitong Martes ng sinibak na Drug Enforcement Group Director Police Brigadier General Narciso Domingo na may basbas ni Azurin ang hindi agad pagpapalutang kay Mayo at ang mga pagbabago sa report na naisumite sa DILG. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us