PNP Chief, nanawagan kay Bantag at Zlueta na sumuko na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kay ex Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at kanyang Deputy na si Ricardo Zulueta na sumuko na sa mga awtoridad.

Ito ay matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest sa kasong murder kay Bantag at Zulueta, dahil sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at ng sinasabing middleman sa kaso na si Jun Villamor.

Iniulat ni Gen. Azurin, na wala paring natatanggap na surrender feelers ang PNP mula sa dalawa matapos na ilabas ang mga warrant noong nakaraang linggo.

Ayon sa PNP Chief, ang dalawa ay itinuturing na pugante dahil sa patuloy nilang pagtatago.

Una naring naglunsad ng malawakang manhunt ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at nagpalabas ng mga tracker team para hanapin ang dalawa sa lahat ng sulok ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us