PNP Chief, nanawagan ng mas malalim na unawaan sa pagitan ng magkakaibang relihiyon at kultura sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mas malalim na unawaan sa pagitan ng magkakaibang relihiyon at kultura sa Pilipinas.

Ito ang laman ng mensahe ni Gen. Azurin na binasa ni PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) Director PMGen. Mario Reyes sa Grand Iftar 2023 na idinaos kahapon sa Multi-Purpose Center sa Camp Crame.

Ang banal na aktibidad, ay bahagi ng paggunita ng Holy Month of Ramadan, kung saang sama-samang ipinagdiriwang ng mga magka-pamilya at kaibigan ang “breaking of the fast”.

Dumalo sa aktibidad si Sheikh Abdul Razzak Siddiq, ang Chairman of Peace Center Kapayaan, Inc, bilang panauhing pandangal at si National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong.

Kasama din sa mga dumalo ang 250 Muslim PNP personnel mula sa NCRPO, SAF, at Camp Crame; gayundin ang National Officers ng Salaam Police Advocacy Group at iba pang Muslim personalities sa National Capital Region at kalapit lalawigan. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us