PNP Chief Rodolfo Azurin, bababa na sa puwesto ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan na ngang lilisanin ngayong araw ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr ang kaniyang puwesto hindi lamang bilang pinuno ng Pambansang Pulisya gayundin ang kaniyang uniporme bilang pulis.

Ito’y dahil kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan ngayong araw ay ang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng unipormadong hanay

Ayon sa outgoing PNP chief, sabik na siyang maging “citizen Jun” dahil makababawi na siya sa kaniyang pamilya at kasabay nito’y labis ang kaniyang pasasalamat dahil naging matagumpay ang 34 taon niya sa serbisyo bilang pulis.

Nitong weekend, siksik pa rin ang schedule ni Azurin dahil una, namaalam na siya bilang Chief PNP sa kaniyang Alma Mater, ang Philippine Military Academy (PMA) noong Sabado at ikalawa, sa PNP Academy sa Cavite kahapon.

Si Azurin ay miyembro ng PMA Makatao Class of 1989 at siyang nanilbihan bilang ika-28 pinuno ng Pambansang Pulisya.

Sa naging panayam kay Azurin, inihalintulad niya sa Roller Coaster ang kaniyang naging termino bilang Chief PNP at masaya siyang napagtagumpayan ito. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us