PNP, itinangging nasa Camp Crame si dating BuCor Chief Bantag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ng PNP na nasa kustodiya na nila si dating Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Gerald Bantag.

Ito’y matapos na kumalat ang balita na sumuko na umano at dinala sa Camp Crame ang pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, na-check niya ang lahat ng operating units sa Camp Crame at “negative reports” ang kanyang natanggap.

Wala ring impormasyon si Headquarters Support Service Chief, Police BGen. Mark Pespes tungkol sa umano’y pagdala kay Bantag sa Camp Crame.

Si Bantag at ang kanyang Deputy na si Ricardo Zulueta ay kapwa may outstanding warrant of arrest sa kasong murder mula sa Muntinlupa at Las Piñas Regional Trial Court.

Dahil dito, nagpapatuloy ang manhunt ng mga tracker team ng PNP kay Bantag at Zulueta. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us