Pondo sa one-time rice assistance para sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno, inilabas na ng DBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng Budget Department ang nasa higit 1.1 bilyong pisong rice assistance para sa mga kawani ng pamahalaan na nagtatrabaho sa national government.

Nasa 1, 892, 648 na mga empleyado ng gobyerno ang makikinabang sa naturang one-time rice assistance kabilang ang Job Order at Contract of Service personnel o COS.

Saklaw ng benepisyong pabigas ang mga empleyadong nasa government service pa nang November 2022.

Ang one time rice assistance ay pinagtibay ng nilagdaang Administrative Order No. 2 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr .na dito ay mabibiyayaan ng kalahating kabang bigas o 25 kilo ng bigas ang mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan.

Mahigpit ani DBM Chief Amenah Pangandaman ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na tiyakin ang kapakanan ng government workers at ang minsanang ayudang pabigas ay makakatulong kahit paano sa pangangailangan ng mga manggagawa sa gobyerno. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us