Power transmission sa Luzon, di apektado ng 5.3 magnitude na lindol sa Isabela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo ng power transmission sa Luzon grid sa kabila ng tumamang ng 5.3 magnitude na lindol sa Maconacon, Isabela nitong linggo.

Ayon sa NGCP, wala namang naitalang power interruptions na maiuugnay sa nangyaring pagyanig.

Wala ring naitalang pinsala sa anumang transmission facilities sa lalawigan.

Una nang sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan ang aftershocks kasunod ng pagyanig.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us