Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang groundbreaking ng itatayong elevated turnback guideway para sa Metro Rail Transit (MRT) line 7.

Sa pamamagitan nito, makakaikot ang mga tren ng MRT 7 na bumibiyahe mula sa San Jose del Monte City sa Bulacan patungong North Triangle Common Station sa North Avenue.

Ayon kay ASec. Aquino, malaking papel ang gagampanan ng nasabing guideway sa maayos na operasyon ng nasabing railway line system.

Kabilang din sa mga sumaksi sa naturang groundbreaking ceremony sina Quezon City Mayor Joy Belmonte gayundin ang San Miguel Corporation President Ramon Ang.

Kasunod nito, pinapurihan ni Asec. Aquino ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa ginawang redesigning nito sa West Avenue, sa kabila ng limitadong espasyo na mayroon dito para maitayo ang mga haligi para sa turnback guideway. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us