Pres. Marcos Jr., nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr. Patuloy na pagkakaisa at respesto sa isat isa, ipinanawagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pagpapanatili sa values, aral, at mga kaugalian na natutunan sa nakalipas na holy month of Ramadan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga kapatid na Muslim.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ngayong araw ng Eid Al Fitr.

Ayon sa Pangulo, kailangan ding mabigyang diin ang pagkakaisa at respesto sa isa’t isa para sa lahat kahit anupaman ang pinaniniwalaan at relihiyon.

Kaugnay nito’y nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa mga Pilipino na makiisa sa mga kapatid na Muslim para sa kanilang pag-oobserba ngayong araw ng Eid al Fitr.

Ito ay sa gitna ng pagkilala ng bansa sa aniya’y Islamic faith na kinamulatan na rin nang mga Pilipino.

Kabilang din sa mensahe ng Pangulo na sa kabila ng maraming pagkakaiba sa paniniwala at kultura ay kailangang mangibabaw at manaig pa rin ang pagbubuklod-buklod, respeto, at pagmamahal. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us