Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalit ng liderato sa Philippine National Police (PNP).
Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo, sinabi nitong sana ay madala ng bagong liderato ng PNP sa katauhan ni PNP Chief General Benjamin Acorda ang buong puwersa ng Kapulisan.
Direktiba ng Punong Ehekutibo, dapat maramdaman ang presensiya ng mga pulis sa lansangan.
Bahagi din ng direktiba ng Presidente kay General Acorda ang maglingko ng may integridad at ipatupad ang genuine justice.
Dagdag ng Pangulo, dapat hangarin ni General Acorda na makuha ang tiwala, respeto pati na ang paghanga ng publiko sa mga pulis sa ilalim ng kanyang liderato.
Kasabay nito ay tiniyak din ng Presidente ang buong suporta ng kanyang administrasyon lalo na sa larangan ng capability advancement sa hanay ng PNP. | ulat ni Alvin Baltazar