Presidential Communications Office, nagbago ng official logo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula ngayong araw ay gagamit na ng bagong logo ang Presidential Communications Office (PCO).

Sa disensyo ng bagong logong gagamitin ng PCO, makikita dito ang araw na matatagpuan din sa watawat ng Pilipinas.

Makikita rin ang tatlong bituin na magsisilbing representasyon o simbolo ng
Luzon, Visayas, at Mindanao.

Kasama rin sa bagong logo ang pluma o panulat na sumasagisag sa pagsulat at komunikasyon gayundin ang kidlat na tanda ng mabilis na pagpapadala ng balita at impormasyon sa mamamayan.

Magsisilbing sagisag ang naturang logo hinggil sa mandato at misyon ng PCO upang mas epektibo pa nitong maibahagi ang paghahatid ng impormasyon sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us