Presyo ng sibuyas sa Muñoz Market, QC, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroong paggalaw ng presyo ng sibuyas sa Muñoz Market, Quezon City.

Ayon kay Kuya Jay, tindero ng gulay, mula sa dating kuha nila ng ₱90 kada kilo ay tumaas na naman sa higit ₱100 ang puhunan kaya naman nasa ₱130 na ngayon ang bentahan ng kada kilo ng pulang sibuyas.

Mas mataas pa ang presyo ng puting sibuyas na nasa ₱180 ang kada kilo.

Maging sa pinakahuling monitoring ng DA Bantay Presyo, balik sa ₱120-₱150 ang kada kilo ng pulang sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon kay Kuya Jay, nahihirapan na naman silang kumuha ng suplay ng lokal na sibuyas habang wala na ring maibentang imported na sibuyas.

Dahil dito, nagrereklamo na naman daw ang ilan sa kanyang suki at tingian na kung bumili ng sibuyas.

Bukod sa sibuyas, nananatili namang mataas ang presyo ng calamansi na nasa ₱130 ang kada kilo, petchay na ₱20 na ang kada tali at talong na nasa ₱90 ngayon ang kada kilo mula sa ₱70-₱80 noong nakaraang linggo.

Narito naman ang presyo ng iba pang pangsahog at gulay sa Munoz Market:

Bawang – ₱100 kada kilo
Kamatis – ₱40 kada kilo
Luya – ₱80 kada kilo
Siling panigang – ₱80 kada kilo

Ampalaya – ₱100 kada kilo
Baguio beans – ₱80 kada kilo
Sayote – ₱50 kada kilo
Repolyo – ₱60-₱70 kada kilo
Patatas – ₱120 kada kilo
Carrots – ₱80 kada kilo
| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us