Problema sa kakulangan ng driver’s license, pinasosolusyunan agad sa DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatutugunan sa lalong madaling panahon ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang kakulangan ng driver’s license sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Poe, hindi sapat na solusyon ang pagbibigay ng temporary license na naka-print sa papel dahil madali lang itong masira, madaya at makompromiso ang seguridad ng may-ari.

Binigyang diin ng senador, na isa ang driver’s license sa mga government -issued ID na karaniwang ginagamit sa iba’t ibang transaksyon.

Pera rin aniya ng mga Pilipino ang pinangbayad dito, kaya naman nararapat lang na ibigay ang tama at kagalang-galang na lisensya at hindi lang kapirasong papel.

Iginiit rin ng mambabatas, na taliwas sa layunin ng batas na pagpapalawig sa 10 years ng validity ng mga driver’s license ang problemang ito ngayon sa availability ng mga lisensya. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us