Prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapagkalooban ng ikinabubuhay ang mga residenteng nasa lugar na apektado ng oil spill.
Ayon sa Chief Executive, kritikal na maituturing ang kawalang pinagkakakitaan ng mga apektadong residente kaya’t mahalaga aniya na unahin ang livelihood.
Kaugnay nito’y tiniyak ng Pangulo na tinutugunan ito ng pamahalaan at sa katunayan ay may nakalatag ng five-year recovery plan.
Kalakip, sabi ng Pangulo, sa limang taong recovery plan ay ang mga programang pangkabuhayan na inihanda ng mga local chief executives na nakasasakop sa mga oil spill affected areas.
At sa sandaling maaari ng makapangisda, idinagdag ng Pangulo na kasabay nito ang pagkakaroon ng dagdag kita ng mga naapektuhan ng oil spill dahil sa livelihood programs na ikinakasa ng pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar